Lakbay Sanaysay
                                  Janina Issa Tria

      Ang lugar na ito ay tinatawag na Subic Bay dahil ito ay malapit sa dagat. Ito ay matatagpuan sa Subic. Nagpunta kami dito nito lamang Nobyembre 19. Ang lugar na ito ay magandang puntahan dahil maganda ang tanawin at maraming mga yate ang makikita. Ang tubig sa bay na ito ay magandang titigan kahit na hindi gaanong malinaw. Marami ring turista ang naabutan kong nagpipicture sa parte na makikita mo sa larawan dahil ang ganda ng view. May bundok na makikita at bangka sa aking likod. Magandang pumunta sa bay kapag sunrise o sunset. Sobrang ganda ng tanawin.
       Gusto kong balikan ang lugar na ito at gusto kong mapanuod ang pagsikat at paglubog ng araw. Sayang nga lang dahil tanghali kami nagpunta. Ang naging karanasan ko dito ay kakaiba dahil narelax ako sa lugar at sa ganda ng tanawin. Kahit na ito ang aking pang-unang beses ay tiyak na nakagandahan ako sa lugar. Wala akong bagay na hindi nagustuhan sa lugar na ito. Gusto ko ulit bumalik dito kasama ang mga kaklase ko at mahahalagang tao sa buhay ko.
        Gusto kong makapagbonding sa lugar na 'to na puno ng saya. Walang kalungkutang mababakas sa mukha ng bawat isa. Dahil sa tingin ko ang lugar na ito ay makakatulong upang makalimot sandali sa mga problemang kinakaharap.

Comments